Hanggang ngayon ay walang balita kung nagsisimula na ang taping ng pagbabalik ng Captain Barbell sa GMA7 kung saan ay si Richard Gutierrez ulit ang bida. Kung sabagay, masyado pang malusog ang pangangatawan ni Richard ngayon para masuot ang Captain Barbell suit niya na ginamit noon. Mukha na kasing nagkakahabulan na sa laki ng katawan ang magkapatid na Raymond at Richard Gutierrez.
As usual, marami na namang leading lady si Richard dito kagaya sa naunang Captain Barbell na talagang siya ang pinag-aagwan. Iba na talaga kapag gwapo.
Isa si Solenn Heausaff na model na sumali sa Survivor Philippines kung saan siya ang hostat ang ilan pang napipisil na makasama niya ay sina Lovi Poe at Bela Padilla.
Nakapagstory conference na raw sila kaninang hapon ayon sa isang ulat.