Pagkatapos ni Bianca Manalo na ilaunch sa Juanita Banana ng ABS-CBN, isa na namang beauty queen sa katauhan ni Precious Lara Quigaman ang ilulunsad ng ABS-CBN bilang lead actress sa aabangang teleserye sa 2011 na “Mutya”. Wala pang masyadong spoilers kung gaano tatakbo ang kwento nito pero mukhang fantaserye raw ito kung saan muling makikita na naman natin ang mga sirena.
Marami kasi ang naghahaka-haka na itong “Mutya” ay para ring “Beauty Queen” ng GMA7 na parang “Magkaribal” naman ng ABS-CBN. Pero mukhang hindi dahil hindi ito kumpetisyon kundi isang fantaserye na iikot sa isang perlas, ayon sa source. Mukhang interesting at bago kaya goodluck kay Precious. Mukha namang handa na siya na magbida sa dami ng teleserye na niyang nagampanan sa Dos kung saan ay nagpakita rin siya ng galing sa pag-arte.
Si Alfred Vargas ang magiging leading man niya sa seryeng ito.