Dapat sana ay kasali bilang isang villain si Paolo Avelino sa Captain Barbell pero pinull-out ito dahil siya ang napipisil na maging katambal ni Louise delos Reyes sa “Alakdana” na isa ring fantaserye ng GMA7.
Magandang move ito ng GMA7 dahil parehong fresh at kakaibang tambalan ito para sa isang major project. Pang leading man naman ang tipo ni Paolo Avelino at kahit medyo may edad siya kay Louise ay swak pa rin at may chemistry naman.
Pero hindi naman kaya maiinggit ang ibang mas senior pa kay Louise dahil nabigyan agad ito ng isang major role?