Sa Linggo ay gaganapin ang launching ni Solenn Heussaff bilang certified Kapuso.
Pumirma ng exclusive contract sa GMA 7 si Solenn, kaya may big welcome siya sa Party Pilipinas. Ang dinig ko, may special surprise guest si Solenn para i-welcome siya bilang Kapuso. Oo nga pala, minsan ay nag-tweet si Solenn at ikinuwentong gustung-gusto niya ang sinigang.
Biniro ko si Solenn na pareho pala sila ng favorite food ni Richard Gutierrez. Paborito rin ni Richard ang sinigang, lalo na ang sinigang na hipon. Isa si Solenn sa apat na kapareha ni Richard sa Valentine movie na Suddenly It’s Magic.
Leading lady rin si Solenn sa Captain Barbell.
1 Comment
love solenn!!!