Ibang level na talaga ang MELASON dahil magkakaroon na sila ng sarili nilang Precious Hearts Romances story na talagang ginawa para sa kanila.
Una silang nakilala sa Pinoy Big Brother Double Up at nasundan ng MELASON in the City hanggang sa isinama sila sa Precious Hearts Romances : Impostor kung saan nakitaan ang dalawa ng talent sa pag-acting. Hindi pa natapos doon dahil napasama ang tambalan nila sa katatapos lang na Kokey @ Ako.
At ngayong 2011, muling magbabalik ang MELASON sa kakaibang romantic-comedy story na ginawa para talaga sa kanila ng Precious Hearts Romances. Kasabay ng serye na ito ay ilolaunch din ang pocketbook version ng story nito.
Sina Erick Salud at Katski Flores ang napipisil na magdirek ng serye na ito na ipapalit sa timeslot ng Alyna. Ito ay isa sa napakaraming offering salvo ng ABS-CBN sa 1st quarter ng 2011.