Muling magbabalik sa telebisyon ng Iskul Bukol, ang sitcom nina Tito, Vic & Joey sa IBC-13 na tumagal sa ere ng 11 years—mula 1978 hanggang 1988.
Ang mga artistang napipisil para gumanap sa bagong version nito ay sina Ryan Agoncillo, Sam YG, at Kean Cipriano ng Callalily.
Ito ay isa lang sa mga ilang TV offerings ng TV5 sa 2011.