Kinabog ni Dingdong Dantes ang Christmas parties for the press ng dalawang naglalakihang networks sa ibinigay na thanksgiving party para sa entertainment press last Friday afternoon sa Centerstage, Tomas Morato.
Literal na wala talagang umuwing empty-handed dahil sobra-sobra ang prizes na ipinamigay. In fact, mas marami ang papremyo kesa sa taong dumating.
Ginastusan at pinaghandaan talaga ng young actor ang party para sa press people. Humigit-kumulang sa P1M worth of prizes ang ipina-raffle, gaya ng 20 microwave ovens, 20 washing machines, 20 TV sets, 20 refrigerators, 20 TV-phones at tatlong entertainment showcases.
Dahil sa rami, inabot ng three rounds ang raffle.
Anyway, ani Dingdong, 2007 has been a very good year for him, kaya naman nais niya itong i-share sa mga taong nakatulong sa kanya, partikular na nga ang press people.
Next year, wish ng lahat na mas dumoble pa ang blessings ng aktor para naman mai-share niya ulit, hehehe.