Muling mabibigyang buhay ang kwento ni “Machete” na isang nililok sa kahoy na himalang nagkakabuhay. Una itong ginampanan ni Cesar Montano sa pelikula at ni Joseph Bitangcol sa isang episode ng “Komiks” sa ABS-CBN.
At ngayong 2011, magiging fantaserye offering ito ng GMA7 kung saan si Aljur Abrenica ang magiging bida at sina Ryza Cenon at Bella Padilla para sa mga pangunahing babae sa buhay ni Machete.
Bali-balitang lalo pang nagpapaganda ng katawan si Aljur bilang paghahanda sa seryeng ito na malapit na raw simulan ang taping.
Sana naman ay hindi siya sa katawan magfocus kundi sa pag-arte nang hindi siya lalong magmukhang kahot na gumaganap nito.