Napanatili ng GMA Network ang kapit sa kalamangan sa TV ratings sa viewer-rich Luzon at Mega Manila nitong Nobyembre sa kabila ng mga pagbabago ng mga kalaban nito sa programming na sinabayan ng agresibong promosyon.
Batay sa people data nitong Nobyembre (November 28-30 base sa overnight ratings) mula sa Nielsen TV Audience Measurement, nagtala ang GMA ng 35.4% audience share sa Mega Manila kumpara sa 27.4% ng ABS-CBN.
Ang Mega Manila ay bumubuo sa 55% ng kabuuang urban TV household population sa bansa.
Kabilang ang specials, labimpito (17) sa overall top 30 programs ay mula sa GMA kung saan anim (6) na Kapuso shows ang kabilang sa top 10.
Ang boxing bout nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito ang nanguna sa lahat ng programa nitong Nobyembre. Kabilang sa top 10 ang 24 Oras, Ilumina, Survivor Philippine Celebrity Showdown, Grazilda at Kapuso Mo Jessica Soho.
Napanatili rin ng GMA ang lamang nito sa TV ratings sa Urban Luzon, na bumubuo sa 77% ng total television households sa bansa.
Nagtala ang GMA ng average total day audience share na 33.6% kumpara sa 29.8% ng ABS-CBN.
Kasama ang specials, labing-apat (14) sa top 30 overall programs sa Urban Luzon ay galing sa GMA kung saan ang Pacquiao vs. Margarito, 24 Oras, Kapuso Mo Jessica Soho, Survivor Philippines, Grazilda, Bantatay at Ilumina ay pawang nasa top 15.
Ang longest-running noontime show na Eat Bulaga, na umeere sa GMA Network sa timeslot na may mas mababang vie wing levels kaysa primetime, ay nakapagtala ng mas mataas na TV ratings sa Urban Luzon at Mega Manila kumpara sa bagong primetime variety show ng TV-5.