Nagsimula nang mag-taping ang Dwarfina na pinagbibidahan ni Heart Evangelista at kapareha si Dennis Trillo. Early next year na ang airing ng fantaserye kung saan, gaganap na duwende ang actress at mortal na magkakagusto sa kanya ang actor.
Kasama sa cast ang anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla na mas piniling mag-stay sa GMA 7 kesa sumunod sa ama at kapatid sa ABS-CBN. Hindi si Elmo Magalona, kundi si Derrick Monasterio na ka-loveteam ni Louise delos Reyes sa Reel Love Presents… Tween Hearts ang makakapareha ng dalagita.
Magaling sa martial arts si Kylie at sana mabigyan siya ng mga eksena ng writers at ni direk Mike Tuviera na gumawa ng stunt at fight scene.
1 Comment
pangit naman ya…pag si heart..wala na bang iba ang kapuso??