Mukhang si Aga Muhlach nga ang naba-blind-item na popular actor na mag-o-ober-da-bakod dahil as of press time, kinumpirma sa amin ng isang very reliable source na nakapirma na ito ng kontrata sa TV5 at ang effectivity ay sa Jan. 15, 2011.
May nagsabi rin na nagpahaging na si Willie Revillame sa kanyang programa tungkol sa paglipat ni Aga at nagsalita ito on air na good decision ang paglipat ng aktor at magiging happy ito sa kanila.
We also learned na nagpaalam nang maayos si Aga sa mga bossing ng Kapamilya, partikular na sa chairman at CEO na si Gabby Lopez gayundin sa presidenteng si Charo Santos-Concio.
Ayon pa sa source, maganda ang paketeng nakuha ni Aga sa TV5 kaya abangan na lang kung ano ito.
Samantala, tiyak na isang malaking dagok ito sa ABS-CBN dahil matagal na nga namang nasa ABS-CBN si Aga at isa siya sa pinakamalaking artista ng network.