Usong-uso ang lipatan ngayon. Ang mga artistang akala mo ay loyal sa kani-kanilang mga networks ay unti-unti nang lumilipat sa kabila.
3 na kasi ang naglalaban-labang networks ngayon in terms of ratings. Dati-rati ay ang ABS-CBN (Kapamilya) versus (GMA7 (Kapuso) lang ang naglalabanan pero hayan ay may TV5 (Kapatid) na kaya marami nang choices hindi lang ang mga manonood kundi pati mga stars.
Isa sa mga nabanggit ay ang paglipat ni Aga Muhlach sa TV5 na madalas nagnanumber 1 tuwing Sabado at Linggo maliban lang sa nakaraang Linggo.
Nagsimula ang ugong na iyan sa mga blind items hanggang sa napangalanan na at si Aga Muhlach nga ito. Wala na siyang show sa ABS-CBN dahil ang kakatapos lang ng Malay Mo Madevelop (M3). Meron pa naman siyang “Huling Sayaw” na movie under Star Cinema kasama si Angel Locsin na ipalalabas sa February next year.
Kung totoo man ang issue na ito, hindi na matutuloy ang tiyak na show niya sa ABS-CBN na “Atom” kung saan kasama niya si Makisig Morales at ang pinaplanong kauna-unahang teleserye niya sa ABS-CBN.