Mapapanood na si Joey de Leon bilang host ng bagong live game show, bago mag-24 Oras, na Suwerteng-Suwerte sa Siyete: Press It, Win It. Walong contestants ang maglalaban-laban sa bawat araw na pre-selected bago mag-air ang show thru their cellphone or landphone.
Sa pagsali, kailangan na maghulog ng kanilang pangalan with proof of purchase ng products na partner ng show sa lahat ng branches ng Mercury Drugstore all over the country, sa GMA7 Network o radio stations ng GMA. Dalawang contestants ang maglalaro araw-araw mula sa National Capital Region (NCR), Luzon, Visayas at Mindanao, kaya apat ang mananalo tuwing Monday, Wednesday at Friday.
Last Monday ay namigay na si Joey ng P100,000 na cash prize.
May nagtatanong tuloy kung si Joey na kaya ang ipantatapat ng GMA7 kay Willie Revillame?
Mabilis ang show ni Joey, kaya wala siyang oras na magpakawala ng maanghang na patutsada, na tulad ng ginagawa ni Joey sa Eat Bulaga versus na host na si Willie noon.