Nalungkot ang cast ng Kaya ng Powers at Jejemom nang sabihin sa kanilang last taping day nila last week. Hindi nga naman nakapaghanda ang ibang cast sa biglaang desisyon na tsugihin ang kanilang shows.
Hindi tuloy maiwasan umiyak sina Rhian Ramos at Sheena Halili na magka-patid sa Kaya ng Powers dahil love na love nila ang sitcom. Kung kailan pa close na silang lahat at maganda ang rapport, doon pa raw sila matsu-tsugi.
Anyway, tsika naman na ang ipapalit sa KNP ay mala-horror-comedy na ang cast ay yun ding mga artista sa Kaya ng Powers.