Totoo kayang seryoso na raw ang sakit sa puso ni Jennylyn Mercado kaya meron na itong maintenance na tini-take?
May gamot na nga raw na iniinom si Jennylyn – isa sa umaga at isa sa gabi. Hindi na rin daw siya nagpapagod nang husto dahil payo na rin ng doktor na huwag niyang balewalain ito.
Medyo nag-aalala na nga raw si Dennis Trillo sa sakit ng karelasyon.
Ang isa pang may sakit na rin ngayon ay si Nadine Samonte na diabetic na rin pala.
Na-confine din ito kamakailan lang dahil bumaba naman daw ang sugar nito. Kaya pinapag-ingat na rin ito ng doktor.
Talong Anonymous
Pilipino Star Ngayon