Sobrang OA naman daw ang mga naglalabasan na balita about Janno Gibbs, sabi ng isang taong malapit sa singer-actor. Pero, hindi naman itinanggi ng taong kausap namin na totoo na dumadaan sa depression ang singer, pero, hindi naman umabot sa point na parang wala na itong pag-asa.
Kuwento ng aming source, totoo raw na madalas na nasa loob lang ng kuwarto si Janno at nanonood ng DVD. Pero, normal na raw ‘yon kay Janno at kaya raw talaga nitong magkulong lang sa kuwarto na manood nang manood ng DVD o matulog lang nang matulog.
Kuwento pa ng aming source, may tampo si Janno sa Party Pilipinas dahil pakiramdam niya ay nababalewala siya, to think na isa siya sa mga original host nito noon pa.
Pero, sey ng source namin, naiintindihan din naman daw ni Janno kung bakit nagiging ganoon na lang din ang exposure niya or minsan, wala siyang production number dahil sa mga naging pagkukulang din niya in the past.
Anyway, sey raw ni Janno, magsisimula na siyang magbago ngayon. In fact, sa Sunday raw sa Party Pilipinas ay aapir na ito.
1 Comment
wala syang dapat na ikatampo sa party pilipinas dahil sya din naman ang may kasalanan, una sa pagiging numero unong late at pagiging pasaway, sana nga magbago na sya at mag level up ng kanyang performance dahil napag-iiwanan na ang kanyang style