Masaya ang first taping day ng I Heart U Pare last Tuesday na ginawa sa Ms. V Beauty Salon, Midtown Subdivision, San Roque, Marikina City. Tampok sa rom-com series ang tambalan nina Regine Velasquez at Dingdong Dantes sa direction ni Andoy Ranay.
Na-tweet ni Tirso Cruz III, gumaganap na tito ni Regine sa series, na nanakit ang mga paa niya dahil sa high heels na ipinasuot sa kanya. Bading ang role ni Pip at makikilala sa mga pangalang Cesar at Sarsi sa gabi.
Drag queen at tomboy naman ang role ni Regine na may pangalang Tonia at Tonette at Kenneth naman ang name ni Dingdong. Sa November 14-17, sa Vigan ang location ng series at next year naman ang airing.
Ang iba pang kasama sa cast ng I Heart U Pare ay sina Celia Rodriguez, Luz Valdez, Antonio Aquitania, Ian Veneracion, Ehra Madrigal, Kevin Santos, Jim Paredes, Joey Paras, Boy Alano, Peter Serrano, Joel Saracho, Carlo Gonzales. Sabi kasama rin si Aljur Abrenica at ito ang next show niya after Ilumina, pero wala pang kumpirmasyon.