Hindi na siguro iisipin ng iba na itsa-puwera na si Chris Tiu sa GMA 7.
Heto nga at may bago siyang show, kasama si Love Añover, ang Hanep Buhay (Saturday, 7:00 a.m.).
Magbibigay ng tips at dagdag-kaalaman sa pag-uumpisa at pagpapaunlad ng sariling negosyo at iba pang usaping pinansiyal sina Chris at Love. At hindi sila dapat kuwestyunin, dahil si Chris ay mula sa pamilya ng entre-Pinoys at isa ring matagumpay na negosyante at si Love naman ay busy rin sa kanyang business na iLove Wraps! — brand ng fashionable shawls at wraps.
Sa unang episode nila, to the rescue sina Chris at Love kina Wilfredo at Jennifer Vicente sa pagu-overhaul ng kanilang karinderya. Mula sa pag-deliver ng packed lunch para sa mga empleyado, nakapagtayo ng sa*riling puwesto sina Wilfredo at Jennifer, ngunit sa ika-7 taon nila, kailangan na ng mga pagbabago sa kanilang negosyo.
Napag-alaman din ng Hanep Buhay team na kahit na humaharap sa pagsubok sina Wilfredo at Jennifer, hindi pa rin sila nakakalimot na mamahagi ng kanilang biyaya sa mga nangangailangan. Kaya naghanda sila ng makeover para matulungan sina Wilfredo at Jennifer na matupad ang kanilang pangarap para sa kanilang negosyo.
Samantala, tamang-tama sa pagpasok ng holiday season, tampok din sa pilot episode na ito ang step-by-step guide sa pag-set up ng isang food cart business.
3 Comments
LionheartTV help us naman na ifeature ang cause na ginagawa namin. bukas na kasi ang unang taon ng massacre.. sana po mapromote niyo ito sa blogsite niyo para mas mapalakas natin ang sigaw natin ng hustisya para sa mga bikitma pamilya at kasamahan natin sa media na mga nasawi. Maraming Salamat.
Ito ang link sa facebook. “Liham sa 58”
http://www.facebook.com/pages/Liham-sa-58/131213720231306
MARAMING SALAMAT
-Lir Dela Cruz
ako po c mary jane valles at meron po kminq kainan dto po sa mandaluyong .
marami pong kumakain sa aminq karinderya kaso minsan nawawalan ang iba ng pwesto para kumain kc maliit lng po ang space ng aming karinderya ..
sana po matulungan nyo po ako na mapalago pa ang aking karinderya ..
MARAMING SALAMAT PO !!
gumagalang ,
mary jane valles
643 sgt. bumatay st. barangka drive mandaluyong city
ako po si carina naninirahan sa baliuag bulacan,19 years na po akong labandera at lahat po ng k;laseng mapagkakakitaan ay ginawa ko na po para buhayin ang pamilya ko,kaso po ay kinakapos pa din kami.sana po ay matulungan nyo po ako.
gumagalang,
carina.