Tuloy na tuloy na ang Guns and Roses na teleserye ng ABS-CBN.
Katunayan ay nakapagpictorial na ang mga bida sa teleseryeng ito para sa gaganaping Trade Launch ng ABS-CBN ngayong December kung saan ipapakita ang mga aabangan sa 1st quarter ng 2011.
Sina Bea Alonzo at Robin Padilla ang bida rito kasama sina Empress Schuck at Ejay Falcon. Bagong loveteam ito ng ABS-CBN na siguradong aabangan dahil ibang atake ni Bea rito. Action-drama ang teleseryeng ito na namiss ng mga manonood. Basta’t Kasama Kita pa ‘ata ang huling Action-Drama ng ABS-CBN. Tama?