Since walang intention ang GMA 7 na muling buhayin ang That’s Entertainment ni Kuya Germs, mauunahan sila ngayon ng ABS-CBN na maglu-launch ng isang teen variety show na pinamagatang Shout Out na magsisimula nga yong November 29 (Monday) mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas 6:00 ng gabi, Monday thru Friday.
Noong nakaraang buwan lamang ay nagsulat pa ng column si Kuya Germs para ibalik ang That’s Entertainment pero wala namang pumansin.
Ang teen heartthrob na si Sam Concepcion ay kabilang sa programa kasama ang ibang young talents ng Star Magic.