Isang linggo na ring usap-usapan ang paglipat ni Iya Villania mula sa ABS-CBN to GMA again. Matatandaang galing siya sa GMA na lumipat para magkaroon ng magandang exposure sa Kapamilya Network pero kahit napagbigyan siya, ganun pa rin ang status niya…nasa gitna!
Balita ring nakipag usap na ang manager ni Iya na si Arnold Vegafria last week kaya lalong lumakas ang hinala ng karamihan na lilipat na nga ito si Iya. Balita kasing isasama si Iya sa isang primetime series ng GMA for 2011. Sabagay, good move na rin sa kanya ‘yun para magkaroon siya ng chance na iprove pa ang sarili sa acting. Only You pa ang huling serye ni Iya na nilabasan niya sa ABS-CBN.
Nakita pa si Iya sa pinakabagong Christmas Station ID ng ABS-CBN pero hindi nangangahulugan ‘yung Kapamilya talaga siya dahil nag-end na ang contract niya this month lang. Nakita rin siya sa ASAP XV last sunday pero sa mga pictures na nakita ko ay parang mugto ang mata niya na pwede nating sabihin na nagpaalam na siya sa show na sigurado namang minahal niya lalo na ang grupo niyang “It Girls”.
For sure rin na kung babalik naman siya sa GMA7 ay mas lalo siyang magiging masaya dahil malay natin, magkaroon sila ng show ng boyfriend niyang si Drew Arellano. Possible na ‘yun since magkasama na sila sa isang network.
2 Comments
napaka huli mo na sa balita!
naka pirma na nga ng kontrata si IYA.. ANO BA YAN!
talga? balik GMA na xa?