Una naming naireport namin kanina, postponed ang Christmas Special ni Charice sa GMA7 na sinasabing nagkaroon ng problema.”Emergency situation” ang term na ginamit ng kanyang nanay kahapon sa post niya.
Naging malinaw ito dahil sa report ng Tweetbiz kanina lang na hindi makakauwi si Charice sa Pinas this weekend dahil sa kanyang pagkakasakit. Ayon sa doktor niya, “She is suffering from dehydration caused by a recent stomach flu.”
Sa November 7 na sana gagawin ang taping nito na idederehe ni Direk Louie Ignacio. Since hindi na tuloy ang Christmas Special na ito ni Charice, marami ang nag-aasam ng isang All-Star Christmas Special featuring GMA artists. Why not, ‘di ba?
1 Comment
It’s not canceled but postponed. Just wait for further announcements about this.