Sa Saturday, Nov. 27, na ang taping ni Charice ng Christmas special niya sa GMA-7 titled “Charice Home For Christmas.”
Napakaswerte ni Charice na kahit na identified siya bilang isang Kapamilya ay mayroon siyang Christmas Special sa GMA7. Swerte rin ang GMA7 dahil agad itong tinanggap ng kanpo ni Charice.
Way back year 2003, nagkaroon din ang GMA7 ng ganitong klaseng Christmas special featuring their best singers – Regine, Lani, Jaya , Ogie and Janno at nanalo pa ito ng Best Entertainment Special sa Asian TV Awards noong 2004.
Kung maganda talaga ang presentation ng Christmas Special na ito for Charice, malaki ang possibility na mapansin din ito ng Asian TV Awards.