Ipinakilalang “newest Kapuso” si Will Devaughn kahapon sa Par ty Pilipinas, ibig sabihin ay naka-pirma na siya o pipirma na ng kontrata sa GMA Network dahil as of last Friday, hindi pa siya nakakapirma ng kontrata.
Sa epic serye ni Marian Rivera isasama si Will, pero next year pa ang airing noon, siguro isasama sa isa sa mga bagong soaps ng network na sunud-sunod eere. Sabagay, sa November na ang taping ng epic serye na gagawin ni Marian after Endless Love.
Nagkasama na sina Marian at Will sa Des pe radas movies ng Regal Films at endorser din sila ng Jag, kaya kilala na nila ang isa’t isa at bale magre-reunion sila sa Channel 7.