Malabong matuloy ang paglipat ng Bb. Pilipinas sa TV5. Nabalitaan namin na ie-exercise ng GMA 7 ang first option nila to renew the contract.
Nakatanggap na ng sulat ang Bb. Pilipinas Charities about this matter. Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.
Maski pala si Venus Raj ay ayaw magpatali sa TV5. Kahit gusto ng Bb. Pilipinas (na humahawak sa reigning Bb. Pilipinas-Universe) ay ipaglalaban ni Venus kung ano ang gusto niya. Matatandaan na muntik na siyang mawalan ng korona pero ipinaglaban niya ito at pinatunayan niya na siya ay isang Filipina.
Dapat sana ay kasali si Venus sa isang teleserye sa GMA 7. Hindi ito natuloy dahil gusto raw ng Bb. Pilipinas na sa TV5 ito lumabas.