Pumirma na ng kontrata si Sen. Bong Revilla, Jr. sa GMA 7 kahapon ng umaga.
Say naman ni Sen. Bong,15 taon na siya sa GMA 7 at hindi naman kailangang may exclusive contract dahil mananatiling Kapuso naman siya.
Sagot naman ni Ma’am Wilma Galvante, mabuti na ’yung na-seal ng kontrata para hindi na magugulo ng mga “exterior forces”.
Sa naturang contract-signing ay kinumpirma na rin ni Sen. Bong ang title ng pelikulang pagsasamahan nila ni Vic Sotto na entry sa Metro Manila Film Festival — Si Agimat sa Mundo ni Enteng Kabisote.