Ipinagmamalaki ng Party Pilipinas ang world-class performance ng mga magagaling na Kapuso dance artists sa segment na ‘Sayaw Pilipinas’.
Mapa-jazz, ballet, ballroom, modern dance, backflips, krumping, isolation pati hiphop at breakdancing, kaya ng Sayaw Pilipinas.
Magagaling kasi at disiplinado ang mga miyembro nito na sina Mark Herras, Yassi Pressman, Rochelle Pangilinan, Diva Montelaba, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Mayton Eugenio at Winwyn Marquez.
“Lahat talented, gifted at madaling matuto,” sabi ni Miggy Tanchangco, ang dance head ng Party Pilipinas.
Ayon kay Miggy, mula sa unang step hanggang sa huling choreography at blocking, disiplinado at may dedikasyon sa sayaw ang miyembro ng Sayaw Pilipinas.
Sinisiguro ng grupong ito na walang umuulit sa mga sayaw nila tuwing Linggo.
Sabi nina Mark at Yassi, ang Sayaw Pilipinas ay mula sa mga dating segments na Boys iLike at Girls I Want.
Pinagsama ang dalawang segment nang pumasok sa Party Pilipinas ang mga direktor na sina Mark Reyes at Rico Gutier*rez noong Mayo.
Kasama ang dance groups na Manouevres at MaxMovement, nagkaroon ng bagong segment ang Party Pilipinas na may sariling identity.
Bukod sa mga regular na choreographers ng Sayaw Pilipinas tulad ng US-trained na si EuaJ Corpuz, kasama sa pagbuo ng mga performances ng nasabing segment ang Artistic Director ng Ballet Philippines na si Paul Morales bilang dance director.
Bukod sa Manouevres at MaxMovement, pasok din ang dance companies na Ballet Philippines at Airdance pati na ang GrooveJacks at Addlib na kapwa magagaling sa hiphop, at Seven na magagaling sa jazz at modern beats.
Tunghayan ang powerful dance segment na Sayaw Pilipinas tuwing Linggo sa Party Pilipinas ng GMA 7.