Maki-party na sa pinakamalaking selebrasyon ng Party Pilipinas dahil ngayong Oktubre 17 ang 7th monthsary ng pinaka-hippest at pinaka-engrandeng party sa telebisyon!
Dubbed as 7th Monthsary All-Star, pagsasama-samahin sa selebrasyong ito ang malalaking artista sa telebisyon at pelikula kasama ang mga magagaling na performers ng Party Pilipinas!
Abangan ang bonggang opening number dahil tampok rito ang all-time favorite dance hits hatid ng mga Kapuso stars na sila Rhian Ramos at Aljur Abrenica ng Ilumina, Glaiza de Castro at Geoff Eigenmann ng Grazilda, at ang kinababaliwang si Johnny ng Endless Love na si Mr. Dingdong Dantes.
Abangan din ang special Korean-inspired number nila Kris Bernal, Steven Silva at Rocco Nacino, ang lead stars ng latest afternoon soap na Koreana.
Pagandahan naman ang labanan ng special number ng sexy actress na si Katrina Halili, former Bb. Pilipinas-World Maggie Wilson at Pinay Hollywood actress Iza Calzado na mga bida sa bagong programang Beauty Queen!
At hindi rin dapat palagpasin ng mga manonood ang nakakatuwang Q&A portion ng dating beauty queen na si Janina San Miguel!
Hahataw din sa dance floor ang tween royalties na sina Barbie Forteza, Bea Binene, Jake Vargas at Joshua Dionisio na kabilang sa No. 1 youth-oriented drama Tween Hearts kasama ang XLR8!.
Tampok din sa kanilang 7th Monthsary All-Star ang special performances nila Asia’s Songbird Regine Velasquez, Singer-Songwriter Ogie Alcasid, RnB royalties Jaya, Janno Gibbs, Jay-R at Kyla.
Hindi rin dapat palagpasin ang production number ng all-time diva na si Rachelle Ann Go at pop heartthrob na si Mark Bautista.