Balik-telebisyon ang classic sitcom na Iskul Bukol makalipas ang mahi-git 20 years na pamamayagpag nito sa telebisyon.
Sa TV5 ito magbabalik, ang istasyon na grabe ang pagpapakitang-gilas sa TV industry, mula nang ilunsad ito ilang buwan pa lang ang nakararaan. May show na rin dito ang dalawa sa original na Tito, Vic and Joey — sina Vic Sotto and Joey de Leon nga — kaya siguro naging madali na (at mabilis) ang conceptualization at nego-sasyon.
Si Vic ay nagkaroon ng game show titled Who Wants to be a Millionaire? at ang bagong LOL with Wally Bayola and Jose Ma-nalo, na bongga na rin ang ra-ting sa first episode pa lang.
As per Joey, mula Wow Mali nu’ng ABC-5 pa lang ang TV5 ay nasa Singko na, at ngayon ginawa nang Wow, Me Gano’n? with Mr. Fu, at House Or Not.
Inililihim pa ito sa press, pero noon pa lang presscon ng first teleserye ng Kapatid Network, ang My Driver, Sweet Lover, ‘natunugan’ na namin ito mula sa isang taga-TV5, pero wala pa itong nabanggit na full details.
Ang nasabi lang sa amin, “isa itong malaking comedy na sumikat nang husto sa publiko!”
Hanggang sa narinig na-min the other day, mula pa rin sa isang TV5 production staff, na a few days ago ay naganap ang secret o closed-door story conference.
Hindi lang sure ang aming source kung pasok pa rin sa original cast ng bagong Iskul Bukol ang orig Tito Vic and Joey.
Malamang na may bago nang mga bidang bagets. Pu-wede ring mga tatay na lang ang role ng TVJ. Wala pang kumpirmadong cast as of now, pero we think na malamang kasama rito si Oyo Sotto, anak ni Vic, na may sariling show sa Singko na may mataas na ratings tuwing weekend, ang Midnight DJ, isa sa matitibay na TV5 shows na unang nilunsad ng network
1 Comment
I just want to ask and some sort of clarification. Iskol Bukol run for 20 years in Television? Seriously? Not 20 years after being shown in a movie?
Correct me if im wrong. Thanks.