Lalong magiging mahirap ang role ni Glaiza de Castro sa Grazilda dahil parurusahan siya ni Fairy God Mother, na role ni Jolina Magdangal.
Inaway kasi niya si Yasmin Kurdi, na mahal ni Geoff Eigenman. Sa istorya kasi ay nagkakagusto na siya kay Geoff.
Gagawing pipi si Grazilda sa mga susunod na episode ng soap kaya iba-yong preparasyon ang ginagawa ni Glaiza sa role na ito at panay practice sa kanyang facial expression.
Lalong nagiging ka-sabik-sabik ang mga eksena sa Grazilda kaya naman kahit mahirap ang ipinagagawa kay Glaiza, okey lang sa dalaga, alang-alang sa ikagaganda ng kanyang first na pinagbibidahang soap sa primetime.
Lalo pa ngayon na tinapatan sila ng bagong teleserye sa kabilang network ng kahawig niyang si Angel Locsin.
Since iniere ang soap ni Glaiza, nakipagpukpukan ito sa rating sa soap ni Sarah Geronimo.