Pormal na ang appointment ni Ms. Grace Poe-Llamanzares bilang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Matagal nang matunog ang pangalan ni Grace sa nasabing posisyon pero wala pang announce*ment at kahapon lang ito pinangalanan ni Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte.
Si Emmanuel Borlaza naman ang MTRCB vice chairman.
Pinalitan ni Ms. Grace si Madame Consoliza Laguardia.
Anticipated na ang appointment ni Grace sa showbiz although maraming nag-request na i-retain si Ms. Laguardia dahil naging napakabuti nitong chairman.