Una naming naireport na ang Koreana ang dapat na pagtatambalan nina Elmo Magalona at si Kylie Padilla kaya nagkaroon ng KyliElmo pero mukhang nagbago na ang isip ng management dahil biglang nagkaroon na ng balita na sina Steven Silva at Kris Bernal na ang mga gaganap sa series na ito.
Kagagaling lang sa kanya kanyang loveteam sina Kris Bernal (kay Aljur Abrenica na katambal na ni Rhian Ramos sa Ilumina) at Steven Silva (na napanood sa Lovebug kung saan ay katambal niya ang kapwa Starstruck Alumni na si Diva Montelaba).
Sina Kris Bernal at Steven Silva ang magtatambal sa afternoon soap na “Koreana.” Papalitan nito ang “Basahang Ginto” kung saan nagbibida ang loveteam nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.
Pero ang tanong ngayon, saan na mapupunta ang supposed to be team-up nina Kylie Padilla at Elmo Magalona? Nasaan na ba si Kylie dahil hindi na rin ito nakikita sa Party Pilipinas?