May tsikang magsasanib-puwersa na ang TV5 at Viva Entertainment para tuluyan nang maagaw ng TV5 sa ABS-CBN at GMA Network ang pagiging number one. Ang tsika pa nga, ang Viva En*ter*tainment ang producer ng Willing-Willie show ni Willie Revillame na sabi’y magpi-premiere sa October 10, kasabay ng Star Power ni Sharon Cuneta, pero magkaiba ng oras.
Maraming naka-line-up na shows na raw na iko-co-produce o solong ipo-produce ng Viva sa TV5 at hintayin na lang natin sa mga darating na panahon.
Heto pa, malaki raw ang posibilidad na ilipat ng Viva sa TV5 ang iba nilang contract stars after their contracts expire sa dalawang higanteng network.
Kaya siguro natsismis na lilipat sa TV5 si Sarah Geronimo na kaka-renew lang ng kontrata sa Dos at pati si Jennylyn Mercado na under Viva Entertainment na rin ay natsitsmis na magiging Kapatid na rin lalo’t wala itong regular show ngayon sa Channel 7.