Dahil sa performance ng mga programang pam-primetime ng Kapuso, patuloy na pinangunahan ng GMA Network ang ABS-CBN sa TV ratings sa Mega Manila at Total Urban Luzon, ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.
Nasa Mega Manila at Total Urban Luzon ang 55% at 77%, respectively, ng total urban television households nationwide.
Mula September 1 hanggang 21 (September 12-21 readings ay ayon sa overnight data), lamang ang GMA sa ABS-CBN sa Mega Manila sa pagtatala ng average total day (6:00 AM to 12:00 MN) audience share na 37.1%, mas mataas ng 6 percentage points kumpara sa 31.1% ng ABS-CBN.
Sa Total Urban Luzon, nanguna ang GMA sa ABS-CBN ng 2.3 percentage points. Umabot sa 36% ang average total day audience share ng Kapuso Network laban sa 33.7% ng ABS-CBN.
Napababa ng GMA ang lamang ng ABS-CBN sa audience share sa 5.4 percentage points nitong August at partial September (September 1 to 21), mula sa 8.2 percentage points noong July.
Dagdag pa, noong August, mas maraming nanood sa GMA mula sa C2DE socio-economic class sa Urban Luzon, na bumubuo ng 94% ng total TV urban population.
Ang TV households na kabilang sa ABC1 socio-economic class ay bumubuo lamang ng 6% ng total TV urban population.
Sa Mega Manila, ang Survivor Philippines Celebrity Showdown ni Richard Gutierrez ang nanguna sa lahat ng programa sa top ten list nitong September 5 to 18.
Ang telefantasyang Grazilda ni Glaiza de Castro ang pumangalawa, samantalang ang Ilumina nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica, flagship news program 24 Oras, weekend primetime public affairs programs Imbestigador at Kapuso Mo Jessica Soho, ay kasama rin sa top 10 list.
7 Comments
hahaha…..ang GMA 7 at ang Lionheartv ay msaya sa digits…pero ask ur heart and the whole philippines kung cno talga ang nangunguna…tsk…
i asked my heart and it says GMA…hahahhaha
My heart says Kapuso..GMA peace!
ang puso ko sabi number 1 ang KAPUSO
GMA7 has a big HEART…kaya sya ang number 1 sa HEART namin…aanhin mo naman meron kang KAPAMIYA wala naman HEART…di ba?lol…KAPUSO pa rin…ano man ang sabihin…
number 1 ang gma.. sori n lng sa mga bitter dyan 😀
kasama ng pagtibok ng puso ko ang kagalakan sa tinatamasang tagumpay ng kapuso network. their shows are worth watching for. kaya nmn congrats mga kapuso.