Sa pagnanais pareho ng ASAP XV at ng Party Pilipinas na makapagbigay ng magandang palabas kung kaya hindi maiwasan na magkapareho ang mga ideya nila. Kung nagkaroon ng shower dance number ang mga hunks ng GMA nung Linggo, sa tubig din, sa isang swimming pool, gina**wa ang dance number ng mga artista ng ASAP XV.
Mayroon ding underwater scene si Cristine Reyes na inilagay sa isang malaking aquarium at nakita kung gaano katagal niya kayang manatili sa ilalim ng tubig.
Fantasy naman ang dance production ng PO5 na kung saan hinahanap ni prince charming na ginampanan ni JC de Vera ang pagsusukatan niya ng glass slipper na naiwan ni Cinderella sa kanyang palasyo sa pagmamadali nitong makaalis nung gabi ng ball.
For the first time napanood kong kumanta ng acapella sa ASAP ang grupo nina Gary Valenciano kasama sina Jed Madela, Erik Santos, Bugoy Drilon, at isa pang singer na hindi ko maalala ang pangalan. Ang ganda ng pagkakabanat nila ng Total Eclipse of the Heart.
Unti-unti nang tinatanggap si Kim Chiu bilang isa ring magaling na dancer. In due time, makakasanayan na ng manonood na makita siyang nagsasayaw na hindi kapareha si Gerald Anderson at masasanay na rin ang mga fans nila ng kanyang ka-loveteam na makita silang solo-solo.