Nag-storycon noong Monday afternoon ang cast ng Grazilda, The New Cinderella to be directed by Dominic Zapata.
This August na ang taping ng fantaserye at September naman ang airing sa GMA-7. Ito ang papalit sa time slot ng Pilyang Kerubin.
Bumubuo ng cast sina Glaiza de Castro as Grazilda at bida na siya at makakapareha si Geoff Eigenmann, Gwen Zamora as Cinderella, Benedict Campos as Prince Charming, ang nagbabalik na si Yasmien Kurdi as Tonette.
Kasama rin sina Rio Locsin, Djanin Cruz, Stef Prescott, Dominic Roco, Joel Torre. Sayang at nasa ABS-CBN na ang rumored BF ni Glaiza na si Felix Roco at sayang din na hindi magkasama sina Dominic at GF nitong si Maxene Magalona.
To be confirmed ang participation ni Jolina Magdangal as the fairy godmother. Kasama rin si Cherie Gil as Viring na kung ’di kami nagkakamali, first project niya ito sa GMA-7.
Maganda ito at first time magkakasama ang mag-titang sina Cherie at Geoff.