“Very happy po ang TV5 at Face to Face team because winner na winner ang episode ng show nu’ng August 12.
“Nakakuha ito ng 30.7 percent audience share among individuals at ito ang may pinakamataas na rating sa lahat ng katapat na shows.
“Ang audience share rating na nakuha ng Showtime that day ay 26.5 percent lamang at ang Danz Showdown ay 25.1.
“Sa household ratings naman, winner pa rin ang Face to Face with 12.2 percent against Showtime’s 11.3 and Danz Showdown’s 10.4.
“Based po ang ratings sa AGB-NMR Mega Manila overnight data.
“Hope you can help spread the good news na nag-No. 1 ang Face to Face last August 12. ’Yun po ’yung episode na may mga bading na inakusahan na nanghipo.
“May magdyowa ring nagreklamo kasi nga ’yung boyfriend ng girl, hinipuan diumano ng bading na dati niyang kaibigan.
“Ang title ng episode was Layuan Mo Jowa Ko, Kundi Mag-aaway Tayo!,” ang kabuuan ng e-mail at paki ni Lhot Ortega ng TV5 PR.