Tuwang-tuwang na-tweet ni Carmina Villar roel ang bago niyang morning show sa GMA 7 na may pamagat na Love Ko si Mister, Love Ko si Misis to be directed by Louie Ignacio. Ang mas ikinatuwa ni Carmina, ang mister niyang si Zoren Legaspi ang co-host niya sa show.
Sa August na ang pilot airing ng show at dahil ’di namin maisip kung saan ilalagay ng istasyon ang morning show, ang feeling namin, ito ang ipapalit sa Diz Iz It! Feeling lang naman, puwede kaming magkamali.