SIMULA na ngayon ng dalawang araw na selebrasyon ng Eat Bulaga para sa 31st anniversary nila. Imagine, tatlong dekada na ang EB and yet, going strong pa rin ang programang hindi lamang entertainment ang hatid sa manonood kundi ang tumulong na rin sa mga tao bilang sukli ng programa sa pagtangkilik ng publiko.
Sa selebrasyon nga ng 30 years ng Bulaga nu’ng nakaraang taon, isinilang ang EB Scholars sa iba’t ibang panig ng bansa na patuloy pa ring tinutulungan ng programa upang makapagtapos ng high school. Pinili rin ang mga EB Heroes na tumutulong sa mga tao nang walang kapalit.
Nagpagawa rin ng isang school building sa Quezon province ang EB bilang tugon sa sa problema sa edukasyon. Mismong ang magkapatid na Sen. Tito Sotto at Vic Sotto ang bumisita sa eskuwelahang ipinagawa ng programa at nagbigay rin ng school supplies.
This time, ang mga barangays naman ang tinutulu*ngan ng Bulaga sa segment nina Jose Manalo at Wally Bayola na Juan For All, All For Juan! Hindi lang residente ng bawat barangay ang nabibiyayaan sa segment na ito kundi pati na rin ang mga barangay na binibisita ng dalawang komedyante. Sa totoo lang, dagsa ang mga liham ng maraming barangay upang gawin sa kanila ang masayang segment ng noontime show.
Sa loob ng 30 taon, wala nang dapat patunayan pa ang Bulaga. Shows come and go pero ibahin natin ang Bulaga dahil nalampasan nang lahat ng programa ang bagyo, intriga, kontrobersiya, katapat na shows and yet, heto sina Tito, Vic and Joey, pati na ang Dabarkads na patuloy na nagbibigay kasiyahan at biyaya tuwing tanghali at walang sawang pinanonood ng publiko!
Mabuhay ang Eat Bulaga!
1 Comment
eat bulaga the best kau tlaga.dami nyo pong na tutulungan sana mging isa ako sa kanila single mother po ako may deperencya na po ang right hand ko d na ako mka hanap ng trabaho gusto kong maka tpos ng pag aaral ang anak ko sana po ma tulungan nyo po ako tito vic and joey sana po ay maging bhagi ako ng mga na tutulungan nyo salamat po eat bulaga more power