NAGHIHINTAY lang daw si Yasmien Kurdi na mabigyan siya ng projects ng GMA-7. Matagal na ring walang ginagawang regular shows si Yasmien, at feeling namin, choice niya `yon na huwag maging active sa showbiz, dahil kinakarir nga niya ang pag-aaral.
Pero we found out na hindi pala totoong dedma muna si Yasmien sa kanyang acting career dahil sa schooling. Totoo raw na may ilan-ilan itong projects na tinanggihan noon for personal reasons.
Pero hindi raw dahil sa makakasagabal sa kanyang pag-aaral.
Kung hindi kami nagkakamali, isa na yata rito ang supposedly, Dear Friend nila ni JC de Vera noon, huh?
Anyway, waiting nga lang daw ang drama ni Yasmien sa Kapuso network na mabigyan siya ng shows muli at regular for that matter. Nami-miss na rin daw nito ang mangarir sa pag-arte.
Kinuwestiyon namin ang nagkuwento sa amin na ano at miss na pala ni Yasmien ang pag-arte, pero, bongga naman ito sa pag-travel-travel. As in, halos napapasyalan na yata ni Yasmien ang buong Pilipinas at panay rin ang labas ng bansa. Bukod pa rito, nakapag-put-up pa siya ng isang water station business kailan lang.
Eh, bongga naman pala ang young actress dahil may guaranteed contract siya as a GMA star kaya kahit wala siyang regular shows, may kinikita siya. Eh, three years din daw ang guaranteed contract na ‘yun ni Yasmien at nasa ika-second year pa lang niya ito ngayon.
May sisteng nakarating sa amin na mataba raw kasi si Yasmien kaya hindi ito mabigyan ng show, huh! Kaso, tama lang naman daw ang timbang ni Yasmien sa age niya, may pagka-big bones lang daw talaga ito kaya sa screen, malaking tingnan.
So, siguro, isa nga ito sa dapat gawin ni Yasmien ngayon, ang mangarir naman na mas mag-slim down pa para makarir din siguro ng network na mabigyan siyang muli ng mga projects.
In fairness to Yasmien ha, isa siya sa alam naming “rater” ng mga soap-opera at nakaka-deliver among her peers.
1 Comment
Matuto naman sanang magdiet… Gulay nga lang kasi vegan siya kaso ang dami naman!