MARIING pinabulaanan ni Direk Louie Ignacio ang kumakalat na balitang si Regine Velasquez ang rason kung bakit siya nag-resign sa Party Pilipinas.
Si Regine daw kasi ang tinutukoy ni Direk Louie na hindi nagre-rehearse nu’ng lumabas ang balitang isa sa mga reason kaya tuluyan nang nilayasan ni Direk ang GMA7 Sunday show dahil sa mga artistang very unprofessional at hindi nagre-rehearse bago mag-perform sa Party Pilipinas.
Pero ayon kay Direk nang makausap namin sa taping ng Tropang Potchi, hindi raw si Regine ang tinutukoy niya dahil napaka-professional daw na katrabaho ang Asia’s Songbird at laging maaga ito sa set para mag-ensayo muna bago mag-perform.
Pahaging niya kung sino pa nga raw ang mga hindi kasikatang mga artista ay siya pang feeling big stars at dumarating na lang sa set nang hindi man lang nag-rehearse.
“Iba naman yung intriga kay Jaya na umano ay sinabi niya. Sabi raw ni Jaya, powerful daw talaga ang Songbird at ma-impluwensya sa mga big boss ng GMA-7. At siya raw ang nag-udyok na ipasipa ako sa Party Pilipinas.
“In the first place, hindi po ako sinipa sa GMA Network. Nag-resign lang ako sa Party Pilipinas, pero I still do Mel and Joey and Tropang Potchi,” mariing pahayag ni Direk Louie.
Nang lumabas ang issue na ‘yun, nag-usap na ba kayo ni Regine, tanong ulit namin kay Direk Louie?
“Hindi pa kami nag-uusap ni Regine. Ang nakausap ko lang ay ang kapatid niyang si Cacai at si Ogie Alcasid.”
Samantala, tsikang malakas ang loob ni Direk Louie na mag-resign dahil lilipat na siya ng ibang network.
May offer na ba?
“Mahal ko pa rin ang GMA-7. Dito ako lumaki at very supportive sa akin ang mga bosing dito.”