Kung hindi pa naging isang Kapuso, hindi pa makakaranas ng intriga si Rachelle Ann Go. Ilang taon din siyang naging Kapamilya pero, tahimik lang ang buhay niya roon. Pero ngayon, biglang-bigla, nasa limelight siya. Hindi bale kung positibo ang mga balitang lumalabas sa kanya ang kaso, negatibo na nagbibigay ng hindi magandang imahe sa kanya.
‘Yung pagsasalita niya tungkol sa naging relasyon nila ng anak ni Gary Valenciano na si Gabriel o Gab ay nag-iwan ng hindi magandang lasa sa bibig ng marami. May reklamo pala siya, bakit ngayon lamang siya nagsalita at bakit isinapubliko pa niya? Puwedeng nagsumbong siya sa mga magulang nito kung ang pakikipag-usap kay Gab ay naging imposible na. She could have engaged the help of her family. Mas mabuti na pami-pamilya ang makaalam kesa ang publiko dahil isang bagay ‘yun na talagang nakasisirang puri.
Biglang-bigla rin, sinasabing nagpi-prima donna na siya sa Kapuso network. Nag-iinarte at nag*pa*paistar at nasasangkot na pati ang mga datihang Kapuso. Nakikipag-kumpetisyon ba siya sa mga dinatnan niya sa Party Pilipinas? Dapat hindi, dapat nga siya ang mag-adjust dahil siya ang baguhan. Pero ang nangyayari raw ay sila pa ang nakikibagay sa kanya. Bakit? Umabot na ba ang ere sa kanyang ulo at naghahanap siya ng sarili niyang pedestal sa bago niyang bahay?
It seems na pinatataas ng Kapuso ang popularidad ni Rachelle Ann pero, sana not at the expense of others like Gab Valenciano or the La Diva. Magaling naman siya pero tulad ni Mark (Bautista) dumating sila ng GMA 7 na meron nang naghahari’t reyna kaya makuntento na silang maghintay ng panahon na sila naman ang umangat.
2 Comments
What’s with the La Diva? Anong issue meron si RAG sa La Diva? Pls answer
gusto ko lang po icorrect….. ANG TAGAL PO NIYANG NANAHIMIK ABOUT THEIR BREAK-UP, pinili niyang manahimik sa totoo lang pero… naging honest lang siya sa ating lahat dahil iyon sa ultimate question sa SC…
bakit ganito kayo magisip???
to think na wala naman talaga siyang ginagawang mali plus the fact na hindi siya nakikipag kumpetisyon sa iba, kayo lamang ang nag iisip niyan….
Lastly, hindi siya pri madonna at lalong hindi siya nag iinarte! have you met her before??? nakasama mo na ba siya??? MALAMANG HINDI, kasi if you know her personally, MAHIHIYA KANG SABIHIN IYANG MGA SINASABI NIYO SA KANYA…