Last Friday, May 7, habang nagmimiting de avance ang mga political parties, isang thanksgiving and victory party naman ang inihandog ng Regal Entertainment at GMA Films para sa pagiging box office hit ng latest summer offering ng dalawang outfit, ang You To Me Are Everything na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Bago dumating sina Dingdong at Marian sa ballroom ng Imperial Palace Suites sa Quezon City, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Roselle Monteverde-Teo, isa sa executive producers ng pelikula, at anak ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.
A MATCH FOR HOLLYWOOD FILMS. Magkano na ang kinita ng You To Me Are Everything mula nang magbukas ito nationwide noong Wednesday, May 5?
“Nung Wednesday, we had 16 million gross. As of today, we have about 26 million. And not only that, the response from the people who have watched the movie, maganda talaga ang feedback.”
Nagdagdag pa raw sila ng ten theaters nung second day?
“Yes,” sabi ni Ms. Roselle. “Right now, we have over 100 theaters nationwide. So, magandang balita ito for us, and of course, for the Filipino movie industry.
“Kasi, as you can see right now, puro Hollywood big movies ang mga lumalabas ngayon, di ba? So, we’re happy that we were still able to make it despite the fact na may mga big Hollywood movies.
“Plus the election. Ang mga tao, busy sa mga election activities.”
Nag-e-expect ba sila ng bigger gross ngayong weekend?
“Well, we’re keeping our fingers crossed because we always wish for the best talaga!” masayang pahayag ng sinasabing tagapagmana sa trono ni Mother Lily.
SEQUEL. Masasabing hindi lamang sa telebisyon kundi pati sa pelikula ay napatunayan na ng tambalang Dingdong-Marian na patok sila sa masa dahil sa pag-hit ng pelikula nilang idinirek ni Mark Reyes.
“Talaga namang unbeatable,” sabi ni Ms. Roselle. “For me, right now, na-prove nila na ang loveteam nila ay talagang may chemistry on the big screen. Kahit naman in real life, they’re so much in love with each other! Hindi na maikakaila yun.”
Ayon sa co-producer ng Regal na si Ms. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films, hindi raw imposible na magkaroon ng sequel ang You To Me Are Everything.
“Kasi, marami ka pang puwedeng gawin sa istorya,” sang-ayon ni Ms. Roselle.
May plano na ba o matatagalan pa?
“Well, for me, may naglalaro sa isip ko ngayon na if it’s not a sequel, definitely it’s another Dong-Yan movie… May bonus din sila, dapat naman!” tawa ni Ms. Roselle.
In-expect ba ng Regal na magiging ganito kalakas ang pelikula sa box office?
“Takot kami at first…” pag-amin niya. “We didn’t know if the timing was right. Kasi yun na nga, Hollywood movies came out, tapos, yung eleksiyon… And even with those obstacles, naging successful kami with the movie. So, it’s really surprising.
“Doon pa nga lang sa premiere night [sa SM Megamall Cinema 10], nagulat na ako sa pila ng mga taong nag-aabang sa kanila! Abot hanggang doon sa entrance ng mga parking lot, grabe, it was really surprising.”
FAN POWER. Unang pelikula ito ng Regal Entertainment ngayong 2010, at masayang-masaya raw ang dear mom niyang si Mother Lily sa lakas ng movie sa takilya. Napatunayan ba nila na buhay pa rin ang fans ng pelikulang Pilipino dahil dito?
“Mukha nga, e! Buhay… buhay pa rin ang fans. ‘Saka mas organized sila ngayon. You’ll be surprised na mas organized sila. They had their own private screenings, special screenings [sa SM The Block, etc.]… Marunong sila.
“Sabi ko nga, ang kaibahan ng fans noon at ngayon, yung ngayon, mas organized sila. Matutuwa ka. Dati, di ba, dapat ang mga artista ang nagpi-please sa fans? Ngayon, mga fans na ang nagpi-please sa mga artista.
“Nagpi-prepare sila. Nagbibigay sila ng contributions [like sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong na siyang beneficiary ng special screening ng movie organized by five groups of Dong-Yan fans]… At may mga kaya sila, ha.
“‘Saka hindi lang ito para sa kanila. They’re also organizing these events para sa ilang charity [organizations]. Umaabot pa galing Amerika ang mga support.
“Nakakagulat, dahil hindi lang sila sa mga screening, mga gano’n, dahil may mga objectives din sila. Nakakatuwa yung gano’n.”
SUPER INDAY. Tila nahuli ng pelikula ang “kiliti” ng Dong-Yan loyal supporters.
“It’s very entertaining kasi, e,” aniya. “Parang you don’t have to think while you’re watching it, you just get entertained… So, kailangan talagang pag-isipan ang next project para maganda.”
Mas epektibo kaya ang isang romantic comedy sa tambalang Dingdong-Marian on the big screen?
“Si Marian is effective sa rom-com, or anything na comedy, kahit hindi romantic. Kasi, kahit yung sa Nieves [episode of Shake Rattle and Roll X), na-prove rin niya, di ba?”
At this point, in-announce formally ni Ms. Roselle na gagawa ang Regal ng Super Inday movie para kay Marian. Ito ay remake ng mga nag-hit sa takilya na Maricel Soriano starrers noong 1980s tulad ng Inday Bote, Inday, Inday Sa Balitaw, etc.
Ang plano ng Regal, “pagsasamahin mo lahat yung mga Inday films ni Marya. Yung buong Inday series ilalagay mo sa isang pelikula, si Marian yun.”
Tuwang-tuwa raw si Marian nang marinig niya ang offer. “Kasi, sobra niyang ina-idolize si Maricel, ‘saka napanood niya raw lahat ng mga Inday series ni Marya.”
MORE REGAL PLANS. Nai-share na rin ni Ms. Roselle ang mga susunod na projects ng Regal Entertainment.
“We’re currently in production ng isang Eugene Domingo film, with Andi Eigenmann, Carlo Abellana and John Lapus. It’s entitled My Madir! It’s directed by Joel Lamangan, it’s a laugh-out-loud film.
“After My Madir!, may mga binabasa pang ibang scripts… May horror kami na gagawin, we’re still doing the script. And then, we have drama-love story, romantic… with Direk Maryo J. Delos Reyes. Ayoko munang mag-mention ng artists, pero meron na kaming artists in mind doon sa mga stories na yun.”
At kamakailan lang, nag-sign up sa Regal sa isang exclusive film contract ang bagong usbong ng ABS-CBN, si Andi Eigenmann ng Agua Bendita. Naunahan daw nila ang ibang film outfits?
“Kasi, si Andi, very energetic. Di ba, kasi, yun ang hahanapin mo sa isang artista, hindi lang yung beauty… which is, of course, talent. May pinagmanahan naman ang talent ni Andi [na anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil].
“‘Tapos, may energy siya, may charisma sa tao. And kahit nga mga press people, na-impress sa kanya, matagal silang nakaupo interviewing Andi. Gusto nila si Andi. Marami siyang kuwento. Hindi niya itinatago [ang feelings niya]. Open nga siya, e.
“Open siya, nagkukuwento siya tungkol sa half-brothers niya… Kinukuwento niya ang dad niya.”
GOLDEN ANNIVERSARY. Next year ay golden anniversary na ng Regal Films.
Ayon kay Ms. Roselle, “Fifty years na ang Regal, yun ang logo namin ngayon, e, 50 years. Actually, ang 50th year namin is next year, pero siyempre, sinisimulan na namin ngayon… Kasi, 1961 yun, e. Puwedeng sabihing start na siya ngayon ng 50th year.”
Anong pakiramdam niya’t Golden Year na ang Regal sa paggawa ng pelikula?
“Naku, feeling ko… tumanda na ba ako? Hahaha. Siyempre, natutuwa ako dahil nandiyan pa rin ang movie company namin, despite the fact na ang daming problemang dumaraan, di ba? Talaga naman.
“You just have to go with it [problems]. You just have to overcome it… May time plan kami with GMA Films, e.”
Lastly, natanong namin kay Ms. Roselle kung totoo bang isa siya sa maghe-head ng film outfit ng TV5?
“Wala, wala pa naman, although they keep on… di naman nag-materialize.
“Meron naging meeting, meron. May naging offer. Pero, of course, you know… Anytime naman, e, we’re open naman for everyone. As long as it’s for the improvement of the industry, why not?…
“I think they’re organizing their company pa right now, so they’re still on the stage na planning pa lang.”