Balik na sa sirkulasyon ang direktor na si Louie Ignacio galing sa kanyang bakasyon sa Paris, France kung saan nagpakawala siya ng stress pagkatapos niyang mag-resign sa musical-variety show na Party Pilipinas ng GMA-7. (CLICK HERE to read related story.)
Muling nilinaw ni Direk Louie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi si Regine Velasquez ang tinutukoy niyang hindi nagre-rehearse ng kanilang production numbers sa show. Professional daw katrabaho ang Asia’s Songbird at laging maaga ito sa set para mag-rehearse.
Kung sino pa nga raw ang mga hindi kasikatang mga artista ay siya pang feeling big stars at dumarating na lang sa set nang hindi man lamang nagre-rehearse.
“Iba yung sinasabi ni Jaya na talaga namang powerful ang Diva, ang Songbird, di ba, talagang powerful siya sa lahat ng bagay. Pero yung powers na yun, hindi yung powers na para ipatanggal niya ako at para ipasipa niya ako sa GMA,” diin ni Direk Louie nang makausap siya ng PEP sa taping ng Tropang Potchi ng Q Channel 11 last week.
Dagdag ng direktor, “At hindi ako sinipa ng GMA-7, nag-resign lang ako from Party Pilipinas. I still do Mel and Joey, Tropang Potchi… Gusto ko ring iklaro na dun sa Cebu, nag-rehearse si Regine ng three times at hindi siya ang artistang tinutukoy kong hindi nagre-rehearse.”
Lalake ba o babae ang tinutukoy niya?
“Actually, marami sila, hindi lang isa, marami,” sagot ni Direk Louie. “Kaya ako nag-quit sa show kasi kung sino pa yung mga main host, sila yung professional talaga. Hindi ko na lang sasabihin yung mga names, pero ang dami pa nating artistang unprofessional.”
How true na malakas ang loob niya na mag-resign dahil may offer siya sa ibang network?
“Hindi naman, hindi,” tanggi niya. “Mahal ko pa rin ang GMA. Kumbaga sa bata, sa pamilya, dito ako lumaki, di ba? At very supportive yung mga tatay ko dito, like si Mr. [Jimmy] Duavit. Tawag ko nga sa kanya, tatay, e. Sinusuportahan niya ako sa lahat ng bagay.”
PUTTING THE BLAME ON HIM. Ano ang feeling niya na sa kanya ibinabagsak ang sisi sa hindi pag-angat sa ratings ng Party Pilipinas? Although last Sunday, May 2, ay nakaungos nang bahagya ang Party Pilipinas sa kalaban nitong ASAP XV—10.7 percent vs. 8.6 percent.
“Kaya ako nag-resign…kasi sa akin ang bagsak ng sisi,” sabi ni Direk Louie. “Kasi at the end of the day, director pa rin ang nakalagay doon sa ending ng show—’directed by Louie Ignacio.’ Hindi nila alam, hindi naman ako. Yung pagiging director ko ay yung nakaupo na ako for television.
“Kasi ang alam nila, ako yung kumukuha ng artista for guestings, ako ang gumagawa ng concept, ako yung nasusunod sa lahat ng bagay sa Party Pilipinas. Hindi nila alam na team effort ito. That’s why merong creative director, may head writer, may creative consultant… Si Ogie nga, di ba, creative consultant? So para mabuo ang show, isang team ang bumubuo nito, hindi lang ako. Wala akong say, hindi ako puwedeng magsabi na gusto ko ito. Nagsa-suggest lang,” aniya.
WANNABE DIRECTORS. Sa show ng Party Pilipinas sa Davao last Sunday ay pansamantalang si Rommel Gacho ang pumalit kay Louie bilang direktor. Alam na ba ni Direk Louie kung sino na ang permanenteng papalit sa kanya?
“Hindi ko alam kung sino ang papalit,” sagot niya. “Pero sana hindi ito yung mga naiinggit na director sa akin, na gusto nila sila yung magdirek. Kung anu-ano ang pinagsasabi nila tungkol sa Party Pilipinas, pero gusto lang pala nilang magdirek nung show na yun. Sana hindi ito ang mga papalit sa akin.”
Sinu-sino ang mga tinutukoy niyang mga direktor?
“Kilala ko lang sila, pero hindi ko na kailangang i-mention. Pero definitely, hindi si Rommel Gacho. Kasi si Rommel, love ko ‘yan. Sobrang pag nagkakasakit ako, siya yung pumapalit at kilala niya yung show,” paglilinaw ni Direk Louie.
Pero ano ang nagbunsod sa kanya para mag-walkout sa meeting ng Party Pilipinas at eventually nga ay nag-resign?
“Yun nga yun, professional matters in terms of pagbuo ng production,” sagot niya. “Sobrang nasaktan ako nun, kasi lahat ng press release, ang sisi, sa akin. Sa Internet, parang akala nila ako ang may-ari ng Party Pilipinas. Director lang po ako, binabayaran din ako ng talent fee.
“Wala akong hinahawakan na artista, at wala akong pinapasok na artista diyan, at wala akong inaalagaan na kahit sino diyan. Lahat sila pantay-pantay, pag late ka, pauuwiin kita. Siguro ayaw lang makita ng viewers na pinapagalitan ang idol nilang unprofessional, kung sino man yun. Gusto nila i-tolerate yung mga gano’ng attitude ng artista “
Ni minsan ba ay hindi niya binigyan ng ultimatum yung mga tinutukoy niyang artista na “unprofessional at hindi nagre-rehearse”?
“Ay naku, madalas kong bigyan ng ultimatum,” sabi niya. “Actually yung iba, hinihiya ko pa on stage during rehearsals. ‘O, ano, sikat ka na ba? Bakit ngayon ka lang nagre-rehearse?’ Ginaganun ko! Wala akong pakialam kasi alam kong tama yung ginagawa ko.”
Pero nagbabago ba sila?
“Hindi, e. SOP times pa lang, dysuko, wala! So, may mga feeling diyan na ang gagaling nila, sobra!”
Hindi ba nakakarating sa management yung mga ganoong attitude ng ilang Kapuso stars?
“I’m sure alam nila ‘yan, at napapanod nila ‘yan. Sila ‘yan, e. Tingnan mo, hindi sa akin ang bagsak, ako tagatingin lang kung papano ko bubuuin ang show. Di pag walang nag-rehearse na artista, di walang show! So, pasensiyahan…’yan ang show namin,” malaman na pahayag ni Direk Louie.
1 Comment
Thanks for the info!!!
By the way, have you ever heard about yummy-cebu.com? I hear they just started a new contest called Mama’s day out!