NAKAUSAP namin si Direk Rico Gutierrez sa taping ng reality dating show ng GMA Network na Take Me Out kahapon at may ilang bagay siyang nilinaw tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya ngayon.
Una, matagal daw niyang pinag-isipan kung tatanggapin o hindi ang iniwang programa, Party Pilipinas, ni Louie Ignacio.
Ayon kay Direk Rico, marami siyang factors na kinonsider, lalo pa nga’t siya rin ang direktor ng Showbiz Central, na umeere rin tuwing Linggo ng hapon.
Habang nag-iisip, tinawagan daw niya si Direk Louie para i-assure ito na hindi niya inagaw ang Party Pilipinas, kung saan magsisimula siya sa June 6.
“Para clear lang na hindi ko sinusulot,” sey pa ni Rico.
Pangit naman daw kasi kung may lalabas na mga usap-usapan dahil nasa iisang network lang sila ng kapwa direktor.
Awa ng Diyos, okay daw ang naging reaksyon ni Direk Louie at wala raw isyu sa pagitan nila.
Nakapag-usap na rin sina Direk Rico at Mark Reyes, na katuwang niya sa paghawak ng Party Pilipinas.
“I’m sure kasi na may lalabas ding isyu ng comparison. But we agreed na let’s respect each other as a director.
“Kasi ang hirap, eh, fans will be fans. Gusto lang talaga nila na pagandahin ang kanilang show,” dagdag kuwento pa ni Direk Rico.
Ang isa pang gusto niyang linawin ay ang lumabas na item na bago tanggapin ang Party Pilipinas, may ilang kondisyones siyang ibinigay sa GMA bosses na sina Felipe Gozon at Jimmy Duavit.
Ang totoo raw, si Wilma Galvante ang kumausap sa kanya, hindi sina FLG at JD.
Wala rin daw siyang hininging mga kondisyones.
If at all, malaki ang pasasalamat ni Rico sa Kapuso bosses dahil sa patung-patong na trabahong ipinagkakatiwala sa kanya.
Maliban kasi sa Party Pilipinas at Take Me Out, siya rin ang direktor ng Pinoy Records, Kap’s Amazing Stories at Ripley’s Believe it Or Not.
May SNBO Special pa siyang kukunan with Richard Gutierrez na iere sa July at isang pelikula tungkol sa online gaming na RAN under GMA Films starring Richard pa rin opposite Rhian Ramos.
1 Comment
This is what I hate about Direk Rico… Gusto lagi niyang iistar si Richard Gutierrez!
Tsk! Tsk!