Known as “Pambansang Ilong ng Pilipinas,” Allan K has been a regular co-host of the longest-running noontime show Eat Bulaga! since 1995. Aside from being a staple of the popular noontime show, the comedian also busies himself with Klownz, his very own comedy bar.
Now that GMA-7 has tapped him to star in Comedy Bar, a live comedy series with fellow comedian Eugene Domingo and the Brazilian-Japanese hunk Fabio Ide, Allan K’s natural sense of humor will be showcased not only to the people who frequent Klownz but to the general viewing public as well.
When asked what makes Comedy Bar different from other comedy shows, Allan K explained: “Kumbaga, ito yung pinaka-impromptu na comedy. Yung iba kasi, di ba, isinusulat? Ang iba may storyline na sinusunod. Yung mga comedy shows, may take two, may take three. Ito kasi, nakadepende siya sa audience, nakadepende siya sa mga nangyayari. Stand-up comedy. ‘Saka live audience kami.”
He added, “Ang comedy bar ay walang theme. Kung ano lang ang meron. Ganun siya, e. Kasi nakadepende ‘yan sa bilis ng mga komedyante. Kung anong itstura ng audience, kung anong ipapasok na usapan. Dapat mabilis kang sumakay, mabilis kang magpahaba ng kuwento in a comic manner.”
However, it wasn’t easy for him to be a stand-up comedian at first.
“Hirap ako kasi I started as a serious singer talaga,” he said. “Tapos napunta nga ako sa sing-along kasi wala akong choice kundi maging sing-along master. E, hindi ka naman puwedeng kumanta buong gabi so you have to tell stories in between. Mag-spiels ka. E, hindi pala puwede ang spiels sa mga malulungkot. Dapat may comedy, may punch line.
“Napansin ko nagiging effective ako kapag nagkukwento ako ng masaya. Mas nag-e-enjoy ang tao at mas nakikinig at nagpapalakpakan pa kapag natuwa. So, dinevelop ko yung comedy kasi noon ko lang din nalaman na puwede pala akong mag-stand up.”
WORKING WITH UGE & FABIO. How is it like to work with Eugene Domingo?
“Si Eugene, hindi siya mahirap na isalang sa Comedy Bar kasi funny siya,” Allan K replied. “Just being herself, she’s a funny person. Nakakatawa siya. Yung normal na pag-uuusap n’yo, matatawa ka sa kanya talaga.
“Nung trade launch na pinalabas sa Party Pilipinas, never kami nag-rehearse. Hindi namin pinag-usapan kung anong gagawin. ‘Anong gagawin namin?’ Pagtawag sa amin wala, wala nang usap. ‘Gawin n’yo na ‘yan.’ Ganun din si Uge.
“At ayaw namin ng script,” he continued. “Gusto namin bullet points lang. Di ba, pag totoong show, ‘Ang susunod nating blah blah…’ ganyan. Tapos gumagala yung mata. Walang ganun. ‘Introduce chu- chu.’ Ganun lang.”
How about Fabio Ide?
“Si Fabio? A, hindi ka matatawa sa kanya. May mararamdaman kang kaiba!” the comedian said with a hearty laugh.
STAND-UP COMEDY IN RP. With the advent of new stand-up comedians in local television, PEP asked Allan K who he thinks is the best among them.
“Lahat ‘yan magagaling, lahat ‘yan may kanya-kanyang style. Lahat may kanya-kanyang angking talino. And nakakatuwa sa atin, kaya siguro mas dumadami ang sumisikat na stand-up comedians dito sa Pilipinas, kasi karamihan sa mga stand-up comedians sa atin, naka-incorporate sa music, e. Kasi plus factor yung magaling pang kumanta ang isang comedian. Plus factor yun. Kasi hindi ka naman puwedeng magdadaldal buong gabi. Hindi ka rin puwedeng magkakakanta buong gabi, so maganda kung magkuwento siya, kanta, magkuwento, kanta.”
Turning serious, Allan K talked about the things he wants to achieve while in showbiz. “Gusto kong gumawa ng isang pelikula na markadong-markado. Yung hindi ka makakalimutan.”
Pondering his own words, he added, “Kailangan pa ba nating gumawa ng pelikula? Hahaha! Ayoko kasi yung hintayan. Mas pagod ako sa kahihintay, kaysa yung aktwal na trabaho. Kasi talaga ako, gusto ko talaga live.”
Comedy Bar begins airing this Saturday, April 25, on GMA-7.
1 Comment
can we watch comedy bar live at your studio,and how? nakakatuwa kasi panuorin sa tv lalo na siguro kapag live…gusto ko makita si thomas,gusto ko ung pagpapatawa nya.more power!!!