Pumutok na ang balita today na lilipat na rin daw si Rachelle Ann Go sa GMA-7. Susunod na rin daw ang Ultimate Champion kay Mark Bautista na nasa Party Pilipinas na ngayon. Si Mark at Rachelle Ann po ay parehas ng manager, ang Viva.
Bago pa man ma-confirm ang paglipat noon ni Mark, nagkausap na kami ni Rachelle Ann and I think it’s safe to say here na sinabi niya sa akin na love niya ang ASAP at wala sa isip at puso niya ang lumipat. Kahit pa sa GMA-7 nagchampion si Rachelle Ann, ang mga kaibigan niya naman ay nasa ABS-CBN. Mahal niya ang Kapamilya Network.
Pero dahil nga sa may lumabas na balitang lilipat siya dahil diumano sa magandang offer ng Kapuso Network… tumawag po agad ako sa bahay nina Rachelle Ann. She wasn’t home so I talked to her Mom instead. And sabi po ni Mommy, wala pa silang alam tungkol sa balitang ito. Holy week daw po kasi so walang pasok ang mga tao sa Viva office. Ang Viva ang magde-decide dito, pero syempre kakausapin din muna nila si Rachelle Ann. Nakakalungkot lang, sana wag lumipat si Shin. Si Mark din kasi noon, nung unang tinanong ko hindi niya alam ang balita… Nagdecide na lang din bigla ang Viva. Sana wag mangyari to kay Rachelle Ann.
Tinawagan ko si Rachelle Ann after ko kausapin ang Mom niya, pero nanunuod pa siya ng movie, kaya she’ll get back to me na lang daw later. I’ll update once na magkausap ulit kami.
6 Comments
Hindi siya kikislap sa Siyete. Besides, mas malawak ang coverage ng Channel 2 around the globe dahil sa TFC. Kulang lang ssiyaa ng exposure sa Ch 2 dahil ang pang-masa na si Sarah ang laging nasa spotlight. Pero talent-wise, hindi maikukubli na isa si Rachelle Ann sa nagpapaningning ng ASAP.
bakit natulungan b ng TFC at ang malawak n coverage ng channel 2 saplanet earth si rachelle ann go?
kung sa talent talagang di hamak n mas magaling si shin kesa kay sarah n palagi nlang semplang at ngongo p..
sa panahon ngaun tru internet mapa tv o radio kaya nang abutin ang mga tao sa buong mundo..bwhahahaa
bakit TFC lang b ang napapanood abroad??
bwhahhaa
No doubt that Rachelle is really the best singer today.. She can sing anything with her great voice.. Sa totoo lang di hamak na mas magaling si Rachelle kumanta kaysa kay Sarah na hirap na hirap ng kumanta kapag mataas ang kanta kaya mga current songs ang kinakanta.. Kung kinukuha ng Channel 7 si Rachelle ibig lang sabihin magaling talaga siya kumanta.. Sana naman mas mabigyan ng opportunity si Rachelle sa Channel 2 hindi lang palagi si Sarah.. If ever lumipat man si Rachelle for sure mas mabibigyan siya ng opportunity sa Channel 7..
Kung may lurker dito na kilala personally sina Charo, Deo, Mister M at Cory Vidanes, pakisabi pakawalan na yang mga artista na nasa taas para wag sila matuka ng Viva bandang huli.
If they can afford to let go of claudine, Maria, and Dolphy, let go na rin nla yang lahat ng Viva artists.
Lesson din yan sa ABS that before giving breaks to a non-exclusive artist, homegrown artists muna nila ang pasikatin nila. Dami nilang artista na talented pero walang project ngayon kasi mag nag focus pa sila sa hindi naka kontrata sa kanila.
Ibangon nyo na mga natutulog na career ng mga ibang artista ng Star Magic, Star Records, Star in a Million, PBB at PDA.
MAS SISIKAT SI SHIN SA PP DAHIL ANG PP AY IBANG IBA NA….AT MAKAKASAMA NYA PA NG MGA TRUE SINGERS….UNLIKE SA ASAP MGA TRYING HARD PEOPLE…MAS mgaling nmn syang d hamak kay SARAT…noh…kailngan tlgang maubos na ang mga artista ng dos…dahil d sila marunong mag handle all they know is overexpose lol…
baka lilipat na rin si sarah dahil viva rin ang kanyang manager dba!!!!!