Naisulat naming mala-Maalaala Mo Kaya ang show na gagawin ni Claudine Barretto sa GMA-7, pero ang latest na nabalitaan namin, Pinoy adaptation na raw ng Jewel in the Palace ang gagawin ng aktres sa Kapuso network.
Malaking project ang Jewel in the Palace mula sa story, cast at budget. Umabot sa 54 episodes ang Korean novela na pinagbidahan ni Lee Young Ae sa role ni Jang-geum at nagpakita ng kultura ng Korea, traditional medicine at Royal Court cuisine.
Ang suwerte ni Claudine kung sa kanya ibibigay ang project. Sa dami ng cast ng K-novela, puwede silang magkasama ng husband niyang si Raymart Santiago.