Isang nakakalungkot na balita ang bumulaga sa showbiz ngayong araw dahil sa pagkamatay ng kilala at nirerespetong talen manager na si Douglas Quijano. Natagpuan ang katawan ng talent manager early this morning sa kwarto ng kanyang bahay sa Lucban, Quezon ng dating editor ng Hi! at INTRIGUE Magazine na si Ces Evangelista at matagal ng driver na si Francis.
Si Ces ay isa sa mga matagal ng kaibigan ni Tito Dougs (tawag sa beteranong talent manager ng mga kaibigan niya sa showbiz). Every weekend ay binibisita ni Ces si Tito Dougs sa kanyang bahay sa Lucban kung saan pinili ng talent manager ang mag-settle na mula sa kanyang dating bahay sa Quezon City.
Lumuluwas lamang ng Maynila si Tito Dougs kapag may mga mahahalagang meeting at events. Katulad na lang nu’ng last Wednesday ay nakipag-meeting pa si Tito Dougs sa ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.
Well-loved sa showbiz si Tito Dougs especially ng kanyang mga talents gaya ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, Joey Marquez, John Estrada, Gelli de Belen, Jomari and Anjo Yllana, Wendell Ramos at Antonio Aquitana. Kasapi at isa rin sa mga founder ng PAMI (Philippine Artists Managers, Inc) si Tito Dougs.
Incidentally, may inorganize na healing mass ang PAMI on Tuesday, June 16 sa Father Estioko Hall sa Christ The King Mission Seminary, 101 E. Rodriguez Avenue, Quezon City . Ang kilalang healing priests na sina Father Joey Faller and Father Glenn Gomez ay naimbitahan ng PAMI to officiate at the ceremony.
Ngayon ang mga labi ni Tito Dougs ay nasa byahe na mula sa Lucban para i-burol sa The Heritage Park Chapel sa Taguig (C5) na kung saan ang public viewing sa kanyang mga labi ay magaganap simula bukas (June14) at least 6am.
Nakatakda sanang mag-celebrate ng kanyang ika-65 birthday next month si Tito Dougs.