Malapit nang matapos ang coffee table book ni Jennylyn Mercado na Reborn and in fact, kasalukuyan na itong pini-print. Naka-schedule na ang launching nito sa May 9 as part of her b-day celebration and coinciding with Mother’s Day na rin.
Nakita na ng manager niyang si Becky Aguila ang finished product at hindi raw sa pagmamayabang, napakaganda raw ng CTB.
“Hindi sa alaga ko si Jen, pero ang ganda talaga, a must-collector’s item talaga,” proud na sabi ni Tita Becky.
Ang CTB ay parang life story rin ni Jen dahil naglalaman ito ng mga artikulo at larawan mula sa pagkabata niya, pagsali niya sa Starstruck at manalong kauna-unahang Ultimate Female Starstruck Survivor hanggang sa magbuntis, manganak sa isang napaka-cute na baby na pinanga-lanang Alex Jazz and up to the present time.
Dito rin makikita kauna-unahang nude pictures ni Jen at the height of her pregnancy, gayundin ang first public exposure ni AJ (nickname ni Alez Jazz).
Makikita rin sa CTB ang mga larawan kung paano inilabas ni Jen si AJ via Caesarian section, in full detail. Pati ang eksaktong paglabas at paghugot sa bata ay nakunan.
Kasama rin sa coffee table book ni Jen si Mark Herras na as we all know ay naging malaking bahagi sa buhay ng young actress dahil ito ang naging first boyfriend niya sa showbiz plus the fact na ang loveteam nila ang isa rin sa pinakamainit na tambalan nang panahong iyon.
Pero wala si Patrick Garcia, ang naging boyfriend ni Jen after Mark at ama ng kanyang anak na si AJ.
Kailangan pa bang tanungin kung bakit?
Anyway, aside from the CTB, pinaghahandaan din ni Jennylyn ngayon ang kanyang birthday concert na gaganapin sa Music Museum on May 14 and 16 titled “I Am Woman”.
At the same time ay comeback concert na rin ito ni Jen dahil first major show niya ito after giving birth.
Guests sa nasabing show sina Christian Bautista, Richard Poon, Janno Gibbs, Ogie Alcazid and Mark Herras.
Sa mga gustong mag-avail ng tickets, go na lang kayo sa National Bookstore branches or call Ticketworld at 8199999.